Batang Quiapo main cast and their roles (2024)

Bigatin ang cast ng FPJ's Batang Quiapo, na nag-ere ng pilot episode noong February 13, 2023.

Sa 1986 movie version nito, ang bida ay si Fernando Poe Jr. o FPJ, na gumanap bilang Baldo Dimagiba, kasama si Maricel Soriano, na gumanap bilang si Maria.

Sa 2023 TV version, ang bida ay si Coco Martin kasama si Lovi Poe, na anak ni FPJ sa totoong buhay.

Karamihan naman ng kasama nina Coco at Lovi sa main cast ay award-winning stars at prime-time staples.

Kilalanin sila pati na rin ang kanilang karakter sa action-packed series.

Coco Martin as Tanggol Dimaguiba/Tanggol Montenegro

Si Tanggol ay laki sa slums ng Quiapo sa Maynila.

Bilang paggunita at pagpapakita ng respeto sa orihinal na gumanap bilang sa role niya, bumisita si Coco sa puntod ni FPJ, na tinatawag rin sa showbiz as “Da King.”

Saad ng Ang Probinsiyano star sa kanyang Instagram post noong December 22, 2022 (published as is), “Mananatiling buhay ang lahat ng iyong obra sa pusot isipan ng bawat Pilipino! Da King, Maraming Salamat sa iyong pamana at alaala!”

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lovi Poe as Mokang Dimaculangan

Si Mokang ang sidekick ni Tanggol.

Nag-i-enjoy naman si Lovi sa karakter niya sa top favorite FPJ movie niya.

Aminado siyang nahihirapan siya minsan na mag-Tagalog.

CONTINUE READING BELOW ↓

NOOD KA MUNA!

Ivana Alawi as Bubbles

Una nating matutunghayan si Ivana Alawi sa episode 148 ng series bilang si Bubbles. Makikilala ni Tanggol (Coco Martin) si Bubbles habang nakapiit siya. Sa mga unang eksena, makikitang inutusan si Bubbles ng mga pulis upang "gamutin" siya pagkatapos mawalan ng malay ng una.

"Bubbles, gamutin mo ito. Siguraduhin mong buhay," utos sa kanya ng isa sa mga kapulisan bago nila iniwan ang dalaga.

Batang Quiapo main cast and their roles (1)

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Cherry Pie Picache as Marites Dimaguiba

Si Marites, ang ina ni Tanggol.

Kahit na siya ang biological mother ng binata, hindi siya makapagpamalas ng pag-ibig para rito dahil bunga si Tanggol ng isang mapait na nakaraan: Siya ay ginahasa.

Si Miles Ocampo naman ang gumanap bilang younger version ni Marites.

Batang Quiapo main cast and their roles (2)

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Christopher de Leon as Ramon Montenegro

Isang convicted criminal na nakatakas sa kulungan ang role ni Christopher sa TV series na ito.

Siya rin ang biological father ni Tanggol.

For the scenes na kinakailangan ng flashbacks, si Coco Martin na rin ang gumanap bilang younger version ni Ramon.

Charo Santos as Tindeng Asuncion

Si Charo ang lola ni Tanggol na nagsisilbing gabay at tumatayo bilang magulang ng bida.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madalas din niyang pagtakpan si Tanggol sa amain niyang si Rigor para hindi ito masyadong mapagalitan.

John Estrada as Rigor Dimaguiba

Si John ang gumaganap bilang amain ni Tanggol.

Hindi sila magkadugo at hindi kinikilala ni Rigor bilang anak si Tanggol.

Madalas din niyang saktan si Tanggol, na itinuturing niyang salot ng lipunan.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batang Quiapo main cast and their roles (3)

Tommy Abuel as Don Julio Montenegro

Si Tommy ang gumaganap bilang Don Julio.

Siya ang tumulong kay Ramon upang magsimulang muli nang lumaya siya mula sa piitan.

Lider siya ng isang matinik na sindikatong may operasyon sa Quiapo.

Sa sobrang lakas ng impluwensiya niya ay kaya niyang magpa-news blackout sa media, na makikita sa isa sa mga unang episodes.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Irma Adlawan as Olga Montenegro

Si Irma ang gumaganap sa karakter ni Olga, ang ampong anak ni Don Julio.

Inampon siya ng mayamang lider ng sindikato dahil nakitang may angking talento si Olga sa pagha-handle ng kanyang mga “underground businesses.”

Sa pagtakas ni Ramon sa kulungan, si Ola ang inatasan ni Don Julio na umalalay rito.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangako rin si Don Julio na hindi makakaapekto ang pagdating ni Ramon sa relasyon niya sa mag-inang Olga at Greg.

Si Ryza Cenon ang gumanap bilang younger version ni Olga.

RK Bagatsing as Greg Montenegro

Si RK Bagatsing ang anak ni Olga at itinuturing na apo ni Don Julio kahit hindi naman niya talaga kadugo ang mag-ina.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaya ng kanyang ina, mahusay siyang magtrabaho.

Ayon kay Don Julio, maihahalintulad ang paggalaw ni Greg sa isang palos—madulas at mahirap hulihin.

Batang Quiapo main cast and their roles (4)

Lito Lapid as Supremo Dimaguiba

Sa Batang Quiapo, siya ay si Supremo Dimaguiba, ang lider ng mga halang ang bitukang nakadestino sa Quiapo.

Bumalik siya sa kanyang lungga (na tinatawag na kaharian ng mga bata niya) upang maghiganti sa mga taong dating naglaglag sa kanya kaya nadiin siya at nakulong sa bilangguan.

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinimulan niya ang binabalak na paghihiganti sa pangongolekta ng mga bigating armas.

Batang Quiapo main cast and their roles (5)

At press time, naka-12 episodes na ang FPJ's Batang Quiapo, at sa mga susunod na tagpo ay tiyak na marami pang karakter na ipapakilala.

Gagamitin din kaya sa series ang naging treatment sa FPJ's Ang Probinsyano, kung saan nagkaroon ang bida ng maraming leading ladies at nakipaglaban ito sa maraming kontrabida?

ADVERTIsem*nT - CONTINUE READING BELOW ↓

Abangan!

Batang Quiapo main cast and their roles (2024)
Top Articles
Latest Posts
Article information

Author: Virgilio Hermann JD

Last Updated:

Views: 6289

Rating: 4 / 5 (41 voted)

Reviews: 80% of readers found this page helpful

Author information

Name: Virgilio Hermann JD

Birthday: 1997-12-21

Address: 6946 Schoen Cove, Sipesshire, MO 55944

Phone: +3763365785260

Job: Accounting Engineer

Hobby: Web surfing, Rafting, Dowsing, Stand-up comedy, Ghost hunting, Swimming, Amateur radio

Introduction: My name is Virgilio Hermann JD, I am a fine, gifted, beautiful, encouraging, kind, talented, zealous person who loves writing and wants to share my knowledge and understanding with you.